Pilipinas Basketball: Ang Muling Pagbangon

Pasensya na tsong. Oo, alam ko. Tapos na. Late na ko para mag-react. Alam ko nga, oo. Nakauwi na sila. Awat na. Pero brad, sensya na talaga. Ngayon lang nagsink-in sakin, ang saklap pala.

Alas diyes ng gabi ngayon. Oras ng pahinga lalo pa’t malayo ang ibiniyahe mula sa lupalop ng mga K-Pop. Lagay na lagay na ang mga pilik sa pagsara, excited na ang kama na makapiling sila. Anak ng tokwa. Public figures nga pala. Udlot na naman. Hayan na ang pitik ng shutter ng mga camera at ambush interviews galing sa media, mga selfies at autograph signings sa bagong maong jacket ng anak ni manong na galing Saudi (di naman talaga fan, nagkataon lang na nasa arrival area din ng NAIA), at mga hiyaw at sigaw ng mga hindi bumitaw– ang mga hindi natinag ang tiwala.

Natapos ang World Cup. Sumahin natin, naging proud tayong lahat. Perceived as underdogs bago magsimula ang torneyo. ‘Di daw makakalaban, tatambakan lang. But into their faces we slammed, “Sumabay ka pa boy!” Para tayong sumakay sa likod ni Gabe Norwood habang lumilipad nang biglang may sumulpot na photobomber sa katauhan ni Luis Scola. Hindi inasahan, pumalag tayo nang dikdikan. Puso kung puso, laban kung laban. ‘Di tayo nakaadvance pero iba ‘yung saya dahil napansin tayo. Iba ang Pinoy. Hindi basta lang.

wpid-1409594670517.jpg
(credits to the owner)

Kaisa ng mga Pinoy na nagmamalaki, nagpunta ako street party ng Gilas. May make-up class ako nung araw na ‘yon. ‘Di bale na. Sayang ang chance. Libre pa naman.  Maaga kaming nakarating ni girlfriend. Galing kasi kami sa interview niya sa Ortigas. Alas tres nang hapon nakaabang na kami sa labas ng Araneta. Sa katunayan nakapwesto sana kami sa pinakaunahan kung hindi lang kay kuya na iba ang atake sa olfactory system namin. Napilitan kaming magpunta sa likod. Sayang? Hindi rin. Mas masarap kaya maki-party nang kaaya-aya ang simoy ng hangin.

wpid-img_20140917_185437.jpg

Pagpatak ng dilim, dumagsa na ang mga fans. Mga naka-Gilas na jersey. ‘Yung iba sa suot nila nakuha pa sa promo ng Smart booth sa likod ng venue. Nakakainggit kamo. Hinayaan na lang. Iba naman ‘yung saya nang sinimulan na ang pagpapakilala ng mga players. Ubos ang boses ko, lalo na nung lumabas si idol LA. Ibang klase ‘yung saya. May fireworks display pa. Buhos ang suporta ng lahat; ni hindi ko na nga nabilang kung ilang beses kami sumigaw ng “PUSO!”

Halo-halong pakiramdam ang meron ako habang nakikisiksik sa ‘di mahulugang karayom na fans. Gutom na ko. Pamasahe na lang ang laman ng bulsa ko. May exam sa Taxation kinabukasan. Ang likot pa ng katabi ko; hindi tuloy inabot ang ngiti ko sa group selfie ni Ping. Pero di ako nagpatinag. Gilas ‘to eh. Pinaglaban ako, tayo. Sa inyo na yang freebies at limited edition shirts. Ang mahalaga sakin, masilayan ang mga tinuturing kong bayani.

Sabi nga nila: ang nagpapagal, may biyaya. Apat na dekada ang binilang bago nakabalik sa mundo ang basketbol ng Pilipinas. Nag-uwi pa sila ng isang panalo. Apat na oras na paghihintay ang binilang ko bago nagsimula ang street party. Nag-uwi lang naman ako ng ngiti, sumbrero ni Gabe Norwood, at ang suot na shirt ni Jimmy Alapag. Dri-fit ‘yun dre. Wala akong pambili ng ganun. Peksman, pinagpatayan ng girlfriend ko yan. Salamat nga pala ulit sa sumigaw ng “Maawa naman kayo. Ibigay n’yo na sa babae yan!” Bang!

wpid-1410970466719.jpg

Buong-buo ang pagka-Pilipino ko nung gabing ‘yun. Si coach Chot,
nangako pa ng 2016 Rio Olympics participation. Uplifting. Grabe. Excitement at ibang klaseng emosyon ang naramdaman ko. Asian Games Send-Off din kasi nun. ‘Yun na ang sunod na giyera. Ang sabi ko na lang “Sa World Cup ‘di tayo nadurog. Ngayon sa Asian Games, tayo ang dudurog.”

Heto na. W against India. Expected na yan. Great start, poor closing out. Deh, chill lang. Pagod lang sa biyahe kaya ganun. No joke ang next game. Sino pa ba? Edi ang Haddadi, este Iran pala. Poor start naman. Hayan na ang mga lintik na “Ay pucha. Tambak agad. Talo na yan.” Edi wag ka manuod. Kaming may tiwala, hindi bibitaw. Ayan humabol na, lumamang pa. O, bat ka bumabalik? Talo na sabi mo, ‘di ba?

Natapos ang laro. Napahiya nang bahagya. Ayan na ang demonyo mong kalapit na sobrang nega, “Sabi naman sa’yo olats yan eh.” Sarap manapak. Buti na lang may kalapit ka din na magsasabing “No-bearing game tsong. Babawi ang Gilas. Tiwala lang.” Tunay na kaibigan. Mabuhay ka.

Qatar, South Korea at Kazakhstan. Lahat pinanis natin last year sa FIBA Asia Championship. Vastly improved ang Gilas sabi ng coaching staff at ng mga analysts– kahit pa ginawa nilang ineligible si Andray Blatche. Ano ba naman ang panapat nila sa IQ ni LA? Sa inside presence ni Kuya Marcus? Sa puso ni Ping? Sa lumiliyab na kamay ni El Granada? Sa court vision ni Cap Jimmy? Sa pamatay na extra-pass ni RDO sabay dakdak ni Japeth? Sa poster moments at depensa ni Gabe Norwood?

Solid ang tiwala ko. ‘Di ko na piniling manuod. Walang kaba sa dibdib ko. Tapos…f*ck. Anong nangyare? Qatar yan mga idol. Walang palag sa inyo yan, ‘di ba?! Hindi. May tiwala ako. ‘Di pa tapos. Kukunin natin ang ginto. Korea ang kasunod. Tapos na ang sumpa. Matatalo natin sila. Malamig ang pawis. Nangangatog ang tuhod. Dre, bigo. Para kang nanalo sa lotto tas bigla kang naholdap. Asan ‘yung pinaghirapan? Bakit ganto? Arrghh! Ewan! Ang sakit!

Ayan na si History of Heartbreak, bumabalik– 2002 Asian Games, kalaban ang mga tiyuhin ni Lee Min Ho. Batang-bata pa ako nun. Asintado sa 15-foot line si Olsen Racela, ang idol ko habang lumalaki. Hayan na ang crucial two free throws. Mintis–not once, but twice. Tres ala Kimchi. Pasok. Tagos sa pusong bato ni Juan. Masakit talaga. Heto na naman ba tayo?

wpid-2002-asian-games-korea-philippines-20130810.jpg
(credits to the owner)

Bilang na ata sa mga daliri ang mga nag-abang sa laban ng Gilas kontra Kazakhstan. Kasama ako dun. May chance pa daw. Basta lumamang ng onse, may pag-asa pa pumasok sa semis. Unang tatlong quarters, malakas ang tunog ng buhay; nag-mute na naman pagpatak ng 4th. Sayonara, Gold Medal hopes.

Hindi madali maging passionate basketball fan. Lalo na kung puro dagok ang dinadanas ng manok mo. ‘Yung tipong ‘di ka na makakain. ‘Yun bang lahat ng kumausap sa’yo pag-iinitan mo ng ulo. ‘Yung sobrang nakakapanghina, minsan maiiyak ka na lang. Pero saan ka lang ba kukuha ng lakas? Sa tiwala sa kanila na babawi sila. San ba sila kumukuha ng lakas? Sa atin na nagtitiwala.

Ilang araw na rin naman ang nakalipas. Naghihilom na ang sugat. Tama na ang sisihan, mga kapwa ko Pilipino. Sino pa nga bang magkakasama? Tayo lang din naman. Masakit malamangan sa Final Score ng laro, oo. Umuwi man tayong sawi, pero wala namang kinakahiya. This is not the end. Maybe we had the worst Asiad finish, but one thing is certain– Philippine Basketball is never gonna stop. Bangon Gilas. Laban Pilipinas. Puso.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s