“Get one and pass.” Seven years. Same test. Sino pa ang matibay?

Survival of the fittest, ika nga. Hindi na maipagkakaila, madami na ang nawalan ng loob. Madami na ang sumuko. Madami na ang napagod. Yung anak mo, seven years old na at Grade 1 na sa pasukan pero hirap pa rin magsalita. Yung boyfriend mo nang pitong taon na pero mas matured pa yung bunso mong kapatid. Yung mamartsa ka na lang at kukuha ng diploma pero pending pa rin yung sagot sayo ng nililigawan mo simula pa nung second year high school ka. Yung Ginebra. Yung Ginebra na pitong taon nang hirap na hirap sa pagpukpok pero mailap pa rin sa kampeonato. Yung mga kabarangay na tulad ko na sa loob ng pitong taon na iyon ay umasa at nakihati rin sa sakit. Sino pa ba ang hindi susuko? Sino pa ba ang natitirang matibay?

Late na natapos ang review class  ko kanina. Dapat kasi umaga ang pasok ko kaso tinanghali ako nang gising. Napilitan ako mag-afternoon class for the first time. Pareho lang naman ng topics. Iba lang ang seatmate. Kinailangan ko muna mag-focus sa mga oras na yon. Nagawa ko naman, hanggang sa lumabas ako saglit para umihi. Shet. Madilim na pala. Di ko namalayan ang oras. May knockout game nga pala ang Ginebra. Buti pagbalik ko ng room, pack-up na. 20-minute walk pa ang bubunuin ko bago makauwi. Walang tv sa dorm. Wala pa yung roommate ko na inaabusuhan ko ng wifi connection para sa live streaming. Karipas sa suking computer shop. “Mabagal ang net ngayon boss.” Anak ng! Takbo. Hanap. Hindi ko man lang naibaba pa ang bag ko sa kwarto. Passionate fan ba kamo? Di ka nagkakamali.

Dikdikan ang first half. Halos malaglag ang puso ko. Hindi kumukurap, pinipigilan ang paghinga. “Lord, isang panalo lang. Please.” Hanggang sa, “Lord, hindi pa rin po ba ngayon ang takdang panahon?” Napatungo na ako. Huminga na. Heto na ulit. “Sige na. Bawi na lang next conference.”

Emotions were at its peak. Aaminin ko, nanggigil ako sa forced shots ni Mark. Nainis ako kasi Greg didn’t seem to take advantage of what he has, so as Japeth. Mac was not hitting his shots. I was uttering curses of disappointment. They were completely out of sync in the last quarter. I shook my head, “No, not again.” Final buzzer sounded, and tears began to fall. That horror of the Semis Game7 against San Mig Coffee last year, ugh.

Ayaw pa mag-sink in nung una. I just inhaled, then released. I closed the streaming tab, then BOOM. Dagsa na ang mga memes, asaran, sisihan, murahan, pangalanan mo nang lahat.  Naglipana ang iba’t ibang klaseng opinyon– sumasalamin sa iba’t ibang uri ng pagiging taga-suporta ng Ginebra. Andyan yung mga tropa ni Phil Jackson na hilig punahin ang triangle ni Coach Jeff at hobby na ang maglista ng coaching flaws. Sila siyempre ang leader ng mga fans na hintuturo lang ang daliri sa kamay. Ang hilig sa blaming game. Mawawala ba naman yung taga-bulabog ng long hair ni Coach Al Francis. Yung mga perfectionist. Yung konting mali, “Trade na yan!” Sakit sa ulo. Andyan din ang mga peacekeepers na nagpapanatili ng kaayusan sa bawat Ginebra page sa Facebook at Twitter. Maraming salamat sa kanila. At siyempre, ang mga tunay na die-hard fans. Yung walang ibang hiling sa Pasko kundi ang maka-advance ang Ginebra. Yung mga hindi mapigilan ang pagpatak ng luha dahil hindi na matutupad ang wish nila na yon. Yung mga nananatiling positibo. Yung mga di nawawalan ng tiwala.

Naisip ko yung mga players na inasahan namin. Malamang, doble yung sakit sa kanila. Inisip ko si Mark at Jayjay. Yung tandem na nakamarka na sa history ng Philippine Basketball. Speaking of punctuating a career with a Championship. Ilista mo sila sa umorder nyan. Hanggang kelan sila maghihintay? They are not getting any younger. Isama mo na rin dyan si Billy. Inisip ko rin si Greg. First pick. Yung sumunod sa kanya, nag-Grand Slam agad. Hindi kaya siya nagsisi na napunta siya sa Ginebra? Sana hindi. Eh yung idol ko kaya? Si LA brad. Grabe na credentials nyan. Kaso kulang pa rin sa ipagmamalaking Championship rings. Same question, nagsisi kaya siya na napunta siya sa Ginebra? Random thoughts. Halo-halo na. Sana naman hindi rin. Sana magstay siya sa atin.

Inisip ko sila. Inisip ko yung coaching staff. Inisip ko yung mga tulad kong hindi rin makatulog at makakain. Wala pala dapat ika-disappoint. Walang may gusto ng pagkatalong ‘to. It may be a recurring scene for all of us for the past seven years. We may be facing the same test we faced multiple times before. It doesn’t matter. Matira matibay. Dugong Ginebra ang nananalaytay sa atin. Lahing Never Say Die.

Wag tayo magsawa. Bawi tayo next conference. Kita-kits sa bora! Hehe.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s