Yung Diploma Kong Pending, Parang Championship Ring

Kailan ba ko huling nagsulat? Kunwari lang di ko alam. Pero napansin ko matagal na din. Nung sinimulan ko to, ang sipag-sipag ko. Kada buwan, nakakapagsulat ako ng isa hanggang dalawa. Gusto ko kasi gumaling, gusto ko mapansin. Kaya lang, tulad sa ibang bagay, ang bilis ko mawalan ng gana. Alam mo yun? Nawawalan ka ng gana kasi parang wala namang pinatutunguhan yung ginagawa mo. Masakit. Masaklap. Bente anyos ka na pero di mo pa rin alam ang kapasidad mo.

Eh ano pa nga ba ang magti-trigger sakin na bumalik dito? Napapasulat lang naman ako kapag matindi yung sama ng loob ko, o kaya may ipinaglalaban ako. The former caused me to. Masama ang loob ko. Masamang masama. Bugbog na yung sikmura ko sa mga nerbyos na inabot ko ngayong linggo. Ako na yung naaawa dito sa internal organ kong to, isama mo na rin ‘tong puso ko, literal.

Anong klaseng play yun, coach Ato? Yung kapatid kong bunso bilib sayo, ang galing mo daw mag-“connect the dots” sa white board mo. Pwede daw pala na magkagulo-gulo yung dots. Artist ka pala, lately ko lang nalaman. Tanong lang, alam ko mas madami kang alam samin na nagmamarunong lang, pero seryoso, alam mo ba yung ginagawa mo? Pangalawang beses na nakita at narinig sa TV, si LA litong-lito sa kung san siya pupunta sa crucial play mo. Kitang-kita yung haba ng dead air sa huddle niyo kanina. Kitang-kita na di mo alam ang ido-drawing mo. Sa sobrang kalituhan ng mga bata mo, akala ni Jay-jay naglagay ka ng tuldok sa shot clock kaya dun niya pinatama yung game-winner sana. Sala yung connect the dots mo, coach. Nakakasama ng loob. Pasensya na. Gusto lang namin ng panalo. Gusto ko lang ng panalo.

Okay na. Na-release ko na. Sorry, coach.

Nitong Martes lang naging excited ako. Sabi ko sa wakas, hindi na ko maiinggit sa mga batchmates ko nung High School na nagpopost ng college graduation picture nila sa Facebook. Magkakaron na rin ako ng sa akin. “Tingala nang kaunti. Straight body. Smile!” *clicks* Surreal, pare. Labin-pitong taon din ako nakipagbuno sa aklat at papel. Nakapagbiro pa ako na di na siguro ako makikipagsabayan sa mga batchmates ko sa pagpo-post. Wala kasi akong leeg sa ni isa sa pictures ko. Malamang hindi “Congrats!” ang ibabati ng mga makakakita, kundi “Diet!” Aray ko bhe. Pero di bale, ang mahalaga para sakin nun, yung diploma.

Tapos malalaman mo, pinapaasa ka pala. Just imagine how painful it was. Para kang naging hopia sa nililigawan mo nang pagkatagal-tagal. I had my grad pic taken, then was suddenly called by the dean just to say that I might not be able to graduate. Halos gumuho ang mundo ko. Lalo na’t sobrang laki ng sakripisyo ko para lang matapos tong kurso ko. At ito yun. I sacrificed writing, I sacrificed not improving. I poured out everything, but it seemed to spill at the wrong place. As cliche as it may be, I say, I did my best, but I guess my best was not good enough.

I cried. In front of the dean. Sinabi ko na lang, “If you are scared that I might put a mess on the school’s CPA Board passing rate, that will not be an issue. I can have my diploma and pursue what I really want.” But the response was a big NO. Dito na nagsimula magkandaleche-leche yung kilos ng sikmura at dibdib ko. Normal na mararamdaman, mga magulang ko agad ang naisip ko. Ayoko sila ma-disappoint. Ayoko sila masaktan.

At ayoko rin masuka sa kaba, kasi habang nagta-type ako ngayon, hanging pa din kung mamartsa ako o nganga.

Yung mga contestant dati sa Wowowee, pag tinanong mo ng pangarap sa buhay, 90% isasagot eh makatapos ng pag-aaral. Hairstrand distance from the finish line, silat pa ko. Napakasakit. Hahanap at hahanap ka ng pagkukuhanan ng lakas. At oo, tama ka ng hula. Ginebra yon. Alam ng fans ng 1D yung feeling kasi umalis na yung isang member nila di ba? Ganun yun.

1:30 na nang madaling araw, ang dami pang gising na mga kabarangay. Kagulo kasi nag-tweet si Greg, “NSD for life.” Ganun lang naman kami kababaw. Kahit papano nabawasan yung sakit ng di pagtawag ng ref sa shot clock violation kaya naka-break away si Chan. Kahit papano nalimutan ko saglit na yung diploma ko, imagination pa din.

Of all those nights that I doubted myself, of all those down times that seem to be eternity, of all those immolated wants and desires, of all those discouraging provocations, I know I’m getting stronger. As we always say, real champs never say die. NEVER SAY DIE– the legit mantra.

Nanganganib man maging kathang isip lamang ang diploma ko, alam ko temporary setback lang to. May nagsabi nga sakin, “The harder the battle, the sweeter the victory.” Yung pitong taong tagtuyot ng Barangay, mukha mang permanent pero alam natin lahat na temporary setback lang din to. At nasasabik ako sa tamis pag nakamit na natin yung inaasam natin. Kapit lang.

Sa lahat ng isinusulat ko, associated ang basketball. Mahinang tao ako, maliit at parang walang binatbat–lahat ng katangian na hindi akma sa isang basketball player. Pero ito ang buhay ko, at utang ko dito kung bakit unti-unti akong tumitibay. Lahat naman may dahilan e, lahat plano Niya.

Yung diploma kong pending, pinapatibay lang ako pero alam kong mapapasakin din. Parang Championship ring satin kabs, konting tatag pa at makakamit din natin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s